Pagbabalik

Nilisan ang bayan
Upang makipagsapalaran
Buhay na masagana
Kanyang ninasa

Karangyaa’y kanyang
Naangking tunay
Bagamat hungkag
Pa rin ang buhay

Bayang nilisan
Sumisigaw ng dahop
Mga nagsipaglisa’y
Kanyang tinatawag

Wala ng mga maniniil
Bumalik na kayo
Baya’y sagana na
Ng kasaganaan at kapayapaan

Lumingon kayo
At manumbalik
Isa ng malaya
Ang bayang nilisan