Ikaw Ang Buhay Ko

Ikaw ang Buhay Ko
by M. Bautista

Buhay at puso kong sadlak sa dusa at pait
Sana’y manatili pag-ibig sa ating puso magpakailanman
Ikaw ang mamahalin magpahanggang wakas
Di ko inakalang darating ka sa buhay ko
Para maging katuwang ko sa lahat ng panahon
Ako’y nagpapasalamat sa pagdating mo sa buhay ko
Binigyan kulay, binigyan ng pag-asa
Ikaw ang gabay ng mundo kong kay dilim
Dahil sa iyo’y buhay ko’y sumigla
Ikaw ang laan ng Diyos para sa akin,
Ikaw ang pupuno sa hungkag kong buhay
Ikaw ang aakay sa akin
Ikaw ang buhay ko
Buhay ko’y walang sigla sa nakalipas na panahon
Pasakit sa buhay ay naranasan na patuloy akong
Umaasang darating ka ngayon
Ako’y nagagalak sa pagdating mo sa buhay ko
Binigyan mo ng kulay