Sa Aking Lakambini

habang ako’y nasa sakbibi ng aking pag-iisa sa silid na ito ay natatamasa ko ang aking paglingap sa iyong abang kagandahan. nagigising ako sa aking pag-idlip dahil nadadama ko ang iyong matamis na lipad-halik.

kaaya-aya ang iyong pagdating…naihahaliintulad sa pagdapo ng balahibong galing sa kaitaasan. masdan mo ang pagsapit ng takipsilim. ikaw ang liwanag na gagabay sa aking landas.

mapayapa ang aking loob, ibinalik mo ang huni ng buhay kong walang imik. salamat, ikaw ay biyaya ng Maykapal upang hanguin ako bigyang saysay ang pusong naninimdiman.