Tula Ni Soc Rodrigo

Paglubog ng araw, pagsipot ng dilim Ang aking sarili’y aking tatanungin:- “Nakatupad ka ba sa iyong tungkuling Ang nagdaang araw ay iyong gamitin Sa ikatatamo ng wastong mithiin?” Masisiyahan na ang aking damdamin Pag masasabi kong tapat at taimtim:- “Ginawa kong lahat ang kaya kong gawin!