Tula Ni Soc Rodrigo

Paglubog ng araw, pagsipot ng dilim
Ang aking sarili’y aking tatanungin:-
“Nakatupad ka ba sa iyong tungkuling
Ang nagdaang araw ay iyong gamitin
Sa ikatatamo ng wastong mithiin?”
Masisiyahan na ang aking damdamin
Pag masasabi kong tapat at taimtim:-
“Ginawa kong lahat ang kaya kong gawin!